Showing posts with label drama. Show all posts
Showing posts with label drama. Show all posts

If I die young.

Bat ganun? I feel so weak. Kahapon bigla akong nilagnat at nagsuka ako ng 3 am tapos pagkagising ko ng mga 6:30 sumuka na naman ako. Shet. Am I dying already? Ayoko naaaaaaa. Feeling ko at any moment magcocollapse ako at boom, dedsung na! Aw. I don't wanna die yet. Please Lord, let me graduate first. Kahapon sobrang iyak ako ng iyak after ng 3:30 class ko, ewan ko. Ayoko talaga pag nagkakasakit. Sa school mukha akong strong pero sa boarding I feel so alone. Parang alam mo yun, me against the world ang peg. Sobrang sakit pa ng katawan ko. Haaay. I want to go home with my mom and dad taking care of me, and my lola. Just their presence, okay na ako. 

I hope this won't be my last day on Earth. :(((((
Sana marami pa akong Christmas na maabutan.  
Sana marami pa akong birthday's to come.
Sana marami pa akong araw para magpakasaya.
Sana, sana, sana lang talaga wala akong sakit.

Hindi ko alam mafefeel ko pag nalaman kong may sakit ako, cancer or whatsoever. Siguro, I won't be the same. Hindi na siguro ako magdadaldal. Hindi na siguro ako manlalait. Hindi na ako magwawalay. Hindi na siguro ako makikishot. Hindi na din ako magjojoke. Magmumukmok siguro ako sa bahay at magbibilang nalang ng araw ko. Shet. Ayoko naman mangyari yun. Pero what if? Everything's possible naman e. Mamamatay naman tayong lahat. Weather weather lang yan. Sana lang talaga hindi ko pa oras. Lord, madami pa po akong patutunayan, na hindi ako batugan, na wala akong silbi, na hindi lang ako puro katamaran, na hindi ako happy go lucky, na I'm not an ordinary girl or should I say lady. 

I'll think positive nalang. But if I die young, wala tayong magagawa. Just pray for me. K? 

Ikaw? Anong kwentong Fibisco mo? :))))))))

Yung feeling ko na...

1. I'm such a failure. I can see my future already. I know, deep in my heart na wala akong future elsewhere. Walang patutunguhan ang buhay ko. My life is so pointless. Andaming signs na nagpapatunay na I'M A GARBAGE. Salot sa lipunan in talalog. HAHAHAHA. :DDD

2. Sana, sana talaga merong tinatawag na "reincarnation." Nakakastress ang buhay ko. I want to be someone else. Nakakastress maging wala lang, maging invisible sa society, maging "AVERAGE" student, maging walang kwentang tao, maging walang silbing anak, maging "happy-go-lucky", maging pessimist, maging lahat lahat naaaa! Ayoko naaaaaa. I wanna die!

3. Itawa ko nalang kaya lahat ng problema ko. Nakakapikon ang mga problemang alam mo yun, wala namang matinong solution. Kung pwede lang itulog at kinabukasan wala na siya edi ginawa ko na. Odi mas marami sanang taong mas masaya ngayon. Ewan ko, bakit ang pag-aaral ay nagiging problema ko at siguro pati narin ang ilan sa mga estudyante ngayon? HAHAHAHA. (Shet, sorry naman sa aking pagtatagalog.) What's with our generation ba at lagi nalang sinasabing "hyper" o sobra na daw ang ugali ng mga kabataan ngayon. Yung totoo? Ano ba ang ugali ng mga kabataan noon? And, kelangan ba talagang magkapareho ang pag-uugali nila noon at ngayon? I just don't get it. Sana naman walang pakealamanan, hindi naman "namin" kasalanan maipanganak sa ganitong henerasyon.(Aw, so lalim. Hahaha) Anyway, my point is.. wala akong point. I'm pointless. Fuck me, right? :>

4. Last na to. Yung feeling na.. parang kasalanan mo pag pinanganak kang bobo. I dunno. Maybe it's true. Eh kasi naman, if you're dumb, you're dumb. Kumbaga, you're on the lowest level of the society regardless of your wealth. You can't reach too high, can't dream big. You are not worthy of excellence if you're DUMB. Why can't everyone have an IQ like that Einstein? or whoever has the highest IQ today who is alive? I mean, shit. Parang domino effect eh, if you're dumb you lack proper education & maybe proper breeding. Tapos if you lack education, you can't have top or executive positions, you can't have the best of what the world has to offer. Opportunities will be limited. Kaya my advice, mag-aral kayo mabuti, yes you. Ang hirap ng alam mo yun? Gagraduate ka na this March and yet you feel na parang wala kang natutunan all throughout these past 4 years (or maybe 15 years starting kindergarten. haha) Shet. Let the future decide. Bahala na kung saan ako ipupunta ng aking tadhana. AHAHAHAHA. ASA PA AKO!

Andami kong sinabi. Sorry naman sa kwentong fibisco ko. HAHAHAHA.

Nakakainis.

Yes. Finally, narealize ko din na nakakainis talaga akong tao. I hate myself. I hate what I have become. I don't know who I am anymore. Yung tipong wala akong super best friends, yung tipong wala akong love life at yung tipong wala akong ginawa kundi magbabad sa computer at tumambay sa bahay. In short, wala akong social life. Nakakainis! Ngayon para akong tanga. Naiinggit sa mga post sa facebook, sa mga pictures ng mga dating kaibigan, sa mga inuman session, BB at kung ano pa man. I wonder kung tinuturing pa rin nila akong kaibigan. Shet. I hate this life. Nakakainis dahil pinili kong maging ganito. Maging loner. Maging FOREVER ALONE. Nakakainis na kahit may mga new found friends ako, mas pinili kong hindi masyadong maging attached sa kanila. Ngayon tuloy, ewan ko parang something's missing. Kainis. Halos 3 days na nga tumatakbo sa isip ko, magttwenty nako in 4 mos. - WHERE ARE MY FRIENDS?? Ayoko tumanda mag-isa honestly, but I guess fate ko to. I chose this life. Pinili ko to e. Ginusto kong mapag isa, hindi sumama sa bondi-boding, makipaginuman sa barkada, magtago sa mga batchmates. Sa sobrang ka-KJhan ko eto napala ko, walang permanent na kaibigan. I guess meron naman, pero iilan lang ang totoo. At wala sila sa tabi ko. Naiinis na talaga ako, I guess some part of me is seeking attention. Yung tipong, "hello?! I still exist!" Parang nag amnesia na halos lahat ng friends ko, kung may true friend nga talaga ako. Ayoko na mag isip. Nakakadepress. I guess I've changed. Hindi ko na alam kung sino ako at ano ako. Hindi ko na alam kung ako pa ba yung dating ako.