Yes. Finally, narealize ko din na nakakainis talaga akong tao. I hate myself. I hate what I have become. I don't know who I am anymore. Yung tipong wala akong super best friends, yung tipong wala akong love life at yung tipong wala akong ginawa kundi magbabad sa computer at tumambay sa bahay. In short, wala akong social life. Nakakainis! Ngayon para akong tanga. Naiinggit sa mga post sa facebook, sa mga pictures ng mga dating kaibigan, sa mga inuman session, BB at kung ano pa man. I wonder kung tinuturing pa rin nila akong kaibigan. Shet. I hate this life. Nakakainis dahil pinili kong maging ganito. Maging loner. Maging FOREVER ALONE. Nakakainis na kahit may mga new found friends ako, mas pinili kong hindi masyadong maging attached sa kanila. Ngayon tuloy, ewan ko parang something's missing. Kainis. Halos 3 days na nga tumatakbo sa isip ko, magttwenty nako in 4 mos. - WHERE ARE MY FRIENDS?? Ayoko tumanda mag-isa honestly, but I guess fate ko to. I chose this life. Pinili ko to e. Ginusto kong mapag isa, hindi sumama sa bondi-boding, makipaginuman sa barkada, magtago sa mga batchmates. Sa sobrang ka-KJhan ko eto napala ko, walang permanent na kaibigan. I guess meron naman, pero iilan lang ang totoo. At wala sila sa tabi ko. Naiinis na talaga ako, I guess some part of me is seeking attention. Yung tipong, "hello?! I still exist!" Parang nag amnesia na halos lahat ng friends ko, kung may true friend nga talaga ako. Ayoko na mag isip. Nakakadepress. I guess I've changed. Hindi ko na alam kung sino ako at ano ako. Hindi ko na alam kung ako pa ba yung dating ako.