Brace yourselves, nonsense post is coming. Wahahaha!
Eto na naman ako. Nagsasalaysay ng aking mga kuro-kuro tungkol sa mga bagay bagay na nananatiling palaisipan sa akin. (chos!) Anong feeling pag namatay? Lol. I know walang makakasagot nitong tanong ko. Death is the most painful truth sabi nga nila, pero is it really painful? My guess is, it's not. Death will never be painful. Death is something we all should be prepared for. Pag namatay tayo, yun na, we're dead. Lifeless at inexistent. Forever erased sa mundong ito. We can't cheat death. Hndi naman kasi siyam ang buhay naten tulad ng mga pusa. Kaya as much as possible let's live life to the fullest. Yes, sana nga ganito ginagawa ko at ginagawa mo kasi imagine, 60-70 nalang ang lifespan naten, I know it's very short. 7 decades? Too short, parang di ko pa naachieve ang mga gusto ko sa buhay. Kahit pa siguro kumain tayo ng healthy, magexercise daily, at hndi magbisyo hndi tayo aabot ng 500 years. How I wish we can all live forever like that of vampires. At sanaaaa may life after death din, reincarnation. Yung tipong next life mo celebrity ka, next life mo hayop ka. Hahaha. Pero seriously, ansarap mabuhay e diba? Andaming namamatay ngayon sa gutom, sa war, sa highblood, sa cancer, sa typhoon, sa sunog, sa mga walang kwentang bagay. Pero ikaw, yes you! You're still breathing. You're alive and kickin' Sulitin mo yang buhay mo kasi malay mo at malay ko kung bukas hndi na ulit tumibok yung puso mo at puso ko. Malay naten pagkatapos mong mabasa to matigok ka na? (wag naman sana) Sabihan mo na lahat ng mahal mo sa buhay na mahal mo sila. Wag kang gumaya saken, kahit minsan di ko pa nasabhan ang aking loved ones ng salitang 'i love you' sa kadahilanang nakokornihan ako. Bat kasi naimbento ang salitang corny. Kainis. Kaya ikaw, magpakacorny kana while ur still alive. Kasi ang mga korning tao sila ang mapagmahal. Unlike me. Mehehehe.